‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Cebu nakapagbenta ng P1M produkto

‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Cebu nakapagbenta ng P1M produkto

March 1, 2023 @ 4:41 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa P1 milyon ang naibenta ng “Kadiwa ng Pangulo” sa Cebu City, dalawang araw pa lamang simula nang ilunsad ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layon nito na mabigyan ang mga mamimili ng sariwa at abot-kaya o murang produkto at bigyan ng “ready market” para sa mga magsasaka at producers.

Iniulat ng Kadiwa organizers na ang kabuuang benta na P931,329.66 ay para lamang sa two-day Kadiwa ng Pangulo sa Cebu—P412,799.30, Pebrero 27 at P518,530.36 para sa Pebrero  28.

Mula Nobyembre 5 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon, ang Kadiwa activities (Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, Kadiwa on Wheels, at Kadiwa ng Pasko) ay nakabuo ng P136.14 milyon na benta sa buong bansa.

Samantala, inilunsad naman ng Pangulo ang Kadiwa ng Pangulo sa Cebu kasunod ng matagumpay na “Kadiwa ng Pasko” noong Kapaskuhan.

Sa kanyang naging talumpati sa Cebu, labis na ikinatuwa ng Pangulo ang pagpapalawak sa Kadiwa caravan, sabay sabing hindi lamang ito makatutulong sa mga Filipino na makayanan ang epekto ng mataas na presyo ng pagkain kundi madaragdagan din nito ang kita ng lokal na magsasaka, mangingisda at small enterprises.

“So far, there are more than 500 Kadiwa stores throughout the country,” ang wika ng Pangulo. Kris Jose