Kadiwa stores, gustong palakasin ni PBBM 

Kadiwa stores, gustong palakasin ni PBBM 

July 8, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin  ang Kadiwa stores sa ilalim ng kanyang liderato. 

Sinabi ng Pangulo na maituturing na “good model” ang  Kadiwa stores noon subalit nangangailangan aniyang ipatupad ang reconstruction dito. 

Aniya pa, bagamat magkatulad ang konsepto ng Kadiwa noon at ngayon, sa aspeto ng ipatutupad na teknolohiya magkakaiba ang dalawang anyo ng Kadiwa stores. 

Magugunitang, kasagsagan ng kampanya at sinabi na ng Punong Ehekutibo na pursigido siyang gawing permanenteng establisyemento sa lahat ng baranggay sa buong bansa ang Kadiwa.

Ito’y upang masiguro na hindi na maulit pa ang naranasang kagutom na tumama sa marami partikular nuong panahon ng pandemya. Kris Jose