Kagaguhan!: Tugade galit na galit sa ‘COVID-19 smuggling’ video

Kagaguhan!: Tugade galit na galit sa ‘COVID-19 smuggling’ video

April 7, 2021 @ 7:22 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala na si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa mga sasakyang kolorum o mga trucking company na iligal na nagsasakay ng mga indibidwal sa loob ng “NCR-plus” kahit umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Tugade na ipinaalam sa kanya na may mga kolorum na van at trak na nagsasakay ng mga hindi sumailalim sa COVID testing na indibidwal palabas ng Metro Manila kapalit ng pera.

Iniulat din na maraming pasahero ang walang suot na face mask o face shield.

Read: Truck optr, driver sa ‘COVID-19 smuggling’ video may show-cause order na

 “Pu**** *na nila! Bakit nila gagawin iyan? Hindi nila alam na kinukomprumiso at nilalagay nila sa alanganin ang kalusugan at kabuhayan ng mga tao sa kapaligiran at sambayanan,” pahayag ni Tugade.

“These things must not be tolerated. Let us move strong on this! Dapat itigil ito. Lahat ng paghihirap natin sa testing, isolation at treatment mawawala dahil dito sa kagaguhan at kalokohan na ginagawa nito,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •