Kagamitan mula Japan, inihatid na ng PCG sa Mindoro oil spill cleanup

Kagamitan mula Japan, inihatid na ng PCG sa Mindoro oil spill cleanup

March 13, 2023 @ 5:58 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinatid na ng BRP Corregidor (AE-891) ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 5.1 toneladang kagamitan mula sa Japan Disaster Response (JDR) Team upang tumulong na mapanatili ang patuloy na oil spill response operations sa Oriental Mindoro.

Ang nasabing kagamitan ay binubuo ng oil spill response workwear, mask, oil-proof working gloves, oil-proof rubber boots, oil blotter, at oil snare.

Sakay naman ang JDR team sa BRP Bagacay (MRRV-4410) at nagsagawa ng ocular inspection sa paligid ng karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang may-ari ng MT Princess Empress na RDC Reield Marine Services.

Sa pahayag ng RDC, sinabi na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa gobyerno, Philippine Coast Guard, local government representatives, international oil spill experts at mga kinuhang responders upang mapigilan ang epekto ng langis mula sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

“We are truly sorry that this incident has affected the livelihoods of those living in the impacted areas and the spill’s effect on the environment,” ayon sa pahayag ng RDC na ibinahagi ng PCG sa mga mamamahayag.

“We are committed to doing everything possible to minimise the ongoing impact on the environment and people’s lives and clean up the spill,” dagdag pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden