Kagat ng lab mouse itinuturong sanhi ng COVID sa lab worker sa Taiwan

Kagat ng lab mouse itinuturong sanhi ng COVID sa lab worker sa Taiwan

December 10, 2021 @ 7:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Taiwan na iniimbestigahan na umano kung ang kagat ng isang lab mouse ang responsable sa pag-positibo ng isang manggagawa sa high-security laboratory sa coronavirus disease (COVID-19).

Nagtataka ang mga health official kung paanong ang isang babaeng empleyado ng Academia Sinica, top research institute sa Taiwan, ay nahawa sa virus noong isang buwan.

Dahil na rin sa mahigpit na quarantine restrictions,  napanatili ng Taiwan ang pagiging coronavirus-free, maging ang pagtalo sa major local outbreak nitong taon.

Kinumpirma naman ng health officials na dalawang beses umanong nakagat ng lab mouse na may COVID-19 infection ang nag-positibong manggagawa.

Subalit inaalam pa umano nila kung ito nga ang sanhi ng impeksyon, o kung may iba pang dahilan.

“Whether it is from the workplace or community, we believe the possibility of infection from the workplace is higher because we have zero confirmed infections in the community,” ani Health Minister Chen Shih-chung sa mga reporter.

“As for inside the workplace, whether it is in the office or laboratory, we determined the laboratory has a higher risk. But whether the infection is from the (mouse) bite or the environment, we need to investigate further,” dagdag niya.

Walang travel history ang lab worker at fully vaccinated na rin ng Moderna. RNT/SA