Kagawad, 2 tanod sugatan sa granada ng tandem

Kagawad, 2 tanod sugatan sa granada ng tandem

May 9, 2022 @ 9:26 AM 2 months ago


TUAO, CAGAYAN-Kasalukuyan pa rin ginagamot sa isang hospital ang isang barangay kagawad at dalawang tanod na nagbabantay sa outpost ng hagisan sila ng granda na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Lallayug, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang mga biktimang sina Hermogenes Garduque Ganaban, Barangay Kagawad; Honorato Zingabo Tangaro, at Domingo Abig Sanchez, parehong Barangay Tanod ng nabanggit na barangay.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, ang mga nasabing biktima ay mga naka duty at namamahala sa kanilang outpost sa kahabaan ng kalsada sa harap ng Lallayug Barangay Hall nang biglang silang hinagisan ng granada ng mga suspek na riding in tandem na lulan ng orange na Honda Click motorcycle na walang kalakip na plate number mula sa timog patungo sa hilaga at nang dumaan diumano ang mga ito sa harap ng nasabing outpost.

Isa sa mga sakay nito ang sumigaw ng “HAPPY NEW YEAR” at inihagis ang nasabing granada patungo sa outpost kung saan ay nagtamo ng sugat ang mga barangay opisyal.

Batay sa isinagawang follow-up investigation, nakilala diumano ng mga biktima ang driver ng nasabing ginamit na motorsiklo na si Paolo Doctor, residente ng Brgy. Bagumbayan, Tuao, Cagayan, habang ang naghagis ng granada ay hindi pa nakikilala.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa ng dragnet operation para sa posibleng pagkaaresto ng mga suspek. Rey Velasco