Kagawad, niratrat sa tapat ng barangay hall

Kagawad, niratrat sa tapat ng barangay hall

July 10, 2018 @ 7:29 PM 4 years ago


Cebu City – Agad na binawian ng buhay ang isang barangay councilor matapos ratratin ng isang ‘di pa nakikilalang gunman sa Kalunasan Barangay Hall ngayong hapon ng July 10.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, bigla na lamang pinagbabaril ng gunman si Councilor Roel Mabano sa labas ng barangay hall.

Nakunan pa ng CCTV ang naganap na pamamaril kung saan , makikitang naglalakad ang isang lalaking naka-jacket at sombrero papalapit sa biktima.

Kalaunan ay bumunot na ng baril ang suspek mula sa bulsa ng jacket nito at inulanan ng bala ang kagawad.

Napag-alaman na dati ring pulis ang pinaslang na kagawad.

Kinondena naman ng Barangay Kalunasan ang nangyaring pamamaril sa kanilang kagawad.

Sa inilabas nitong pahayag humihingi sila ng hustisya sa nangyaring pamamaril.

“We condemn in the strongest possible term the killing of our first termer Kagawad Roel Mabano in broad daylight. He is a dedicated public servant even if he is still on his first term as Barangay Kagawad. There’s no safe place, even in what we considered a secure place. We are still waiting for the official statement of his family. We are seeking justice together with the family of Kagawad Mabano. #JusticeForRoelMabano”  (Remate News Team)