Kagawad patay sa motorsiklo sa Negros

Kagawad patay sa motorsiklo sa Negros

October 23, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


BACOLOD CITY – Nasawi ang isang kagawad ng barangay sa isang motorcycle crash sa Purok Estewetes, Barangay Bunga, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Joelibert Toreno, 28, kagawad ng Barangay Bunga.

Inihayag ni Lt. Everly Canto, deputy chief ng Don Salvador Benedicto Municipal Police Station, na nakipag-inuman si Toreno kasama ang kanyang mga kaibigan nitong Biyernes.

Base kay Canto, inihatid lamang pauwi ni Toreno ang lasing na kaibigan nang nang sumalpok sa riprap barrier habang papalapit sa palikong bahagi ng daan.

Walang helmet si Toreno at wala nang buhay nang matagpuan at nagtamo ng head injuries bandang alas-6:30 ng umaga.

Huling namataang buhay ang biktima noong Biyernes, alas-10 ng gabi, ayon kay Canto.

Sinabi niya na hinihintay nila ang desisyon ng pamilya ng biktima kung isasailalim siya sa autopsy upang matukoy kung mayroong foul play. RNT/SA