Kagawad pinasok sa barangay hall, pinaulanan ng bala

Kagawad pinasok sa barangay hall, pinaulanan ng bala

July 3, 2020 @ 10:50 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay sa pamamaril ang isang kagawad sa loob mismo ng barangay hall sa Barangay 484, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, may meeting ang limang opisyal ng barangay kasama ang biktima na kinilalang si Antonio Calma, Jr. bandang alas 10:30 ng gabi nang mangyari ang pamamaril.

Kwento ng isa pang kagawad na si Josie Cruz, sinipa ng mga suspek ang nakasaradong pinto tsaka sila sunod-sunod na nagpaputok ng baril.

Dito ay binalikan pa umano ng gunman ang biktima at pinaputukan pa ng apat na beses.

Giit ni Simaba PCP commander Police Cpt. Kristo John Ramirez, hindi bababa sa dalawa ang suspek sa pamamaril.

Napag-alaman ding dalawang klase ng baril ang ginamit ng mga suspek dahil sa mga nakuhang basyo ng kalibre .45 at 9mm.

Kasalukuyan ding hindi ma-access ang CCTV sa barangay hall na maaaring makatulong sa pagkilala sa mga suspek. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...