Kagawad sa Batangas timbog sa armas, pampasabog

Kagawad sa Batangas timbog sa armas, pampasabog

September 18, 2022 @ 2:35 PM 2 weeks ago


BATANGAS- ARESTADO ang isang barangay kagawad matapos makunan ng mga armas at pampasabog sa isinagawang search warrant ng mga awtoridad Biyernes sa bayan ng Laurel.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rennel Canta, 44, ng Barangay Ticub, Laurel, Batangas.

Batay sa report ng Laurel Municipal Police Station, dakong 8:00 AM, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa suspek ang mga illegal na armas na kinabibilangan ng .38 caliber revolver, .9mm caliber pistol na may dalawang magazines, 28 pirasong bala, at isang Granada.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives./Mary Anne Sapico