Kagawad suspek sa pagpatay sa kapitan

Kagawad suspek sa pagpatay sa kapitan

May 26, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


CAGAYAN – Itinuturing na suspek ang isang barangay kagawad na nasa angkas ni kapitan sa isang motorsiklo matapos umano nitong pagbabarilin sa Sto. Tomas sa bayan ng Tuao.

Matatandaan na noong Mayo 24 ay napabalitang binaril ng hindi pa nakikilalalang riding in tandem ang nabanggit na kapitan na si Hon. Dante Blanza ng Sto. Tomas, Tuao, Cagayan.

Batay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa nasabing insidente, napag-alaman na ang back-ride nitong Kagawad rin na si Hon. Eduardo Montorio ang “person of interest” dahil sa hindi magkakatugmang pahayag nito ukol sa insidente”.

Bukod dito, isinagawa rin ang paraffin test sa kanang kamay  nito na nagbigay naman ng positibong resulta base sa isinagawang examination ng Crime Laboratory Office.

Tuluyan ng kinasuhan sa pamamagitan ng inquest proceedings ang suspek na barangay kagawad na back rider ni kapitan.

Samantala, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang himpilan ng pulisya para mahanap ang cal. 45 na baril na ginamit sa nasabing pamamaslang sa naturanga barangay kapitan. Rey Velasco