Kagubatan mahalagang asset ng bansa – PBBM

Kagubatan mahalagang asset ng bansa – PBBM

February 19, 2023 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng tamang implementasyon ng mining laws sa bansa.

Kasabay nito, nangako ang Pangulo na ibabalanse ang environmental protection at ekonomiya pagdating sa pagpapapalakas sa sektor.

Sa panayam sa Pangulo sa alumni homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, sinabi ng Chief Executive na ang kanyang administrasyon ay “environment conscious.”

“It has been an important part of all our policies… we are moving the economy towards green technologies, we are moving our production of power towards renewables so in that regard, all our forest cover is important and must remain,”  ayon sa Pangulo.

Dahil ang forest cover ay “valuable asset,” binanggit ng Pangulo ang ideya na gawin itong  monetized nang walang kaakibat na paliwanag.

“We can take advantage of being more active in promoting and monitoring, regulating, and encouraging the care of our forest cover, of all our environmental assets, it’s very, very important,” aniya pa rin.

Nakasaad sa data mula sa  environment department  na “as of 2020,” ang Pilipinas ay may kabuuang  4,693,821 ektarya ng  open forest formations o iyong saklaw ang tinatawag na high ground proportions.

“Closed forest formations, where a tree crown exceeds 10 percent of the ground, is pegged at 2,221,173 hectares,” ayon sa ulat.

Ang pagmimina, ayon kay Pangulong Marcos ay nananatiling mahalagang bahagi ng ekonomiya subalit “we do not want some of the incidents that we saw in the past few years to happen again.”

Ito ang dahilan kung bakit ang pagpapatupad ng batas sa responsableng pagmimina ay  “is what we will continue to do.”

“We will always make sure that the mining companies who come in, once they are finished mining that they leave the site in the same condition as it was when they found it,” aniya pa rin. Kris Jose