Kagustuhan ng mga Pinoy na sumali sa contact tracing lubhang mataas – SWS

Kagustuhan ng mga Pinoy na sumali sa contact tracing lubhang mataas – SWS

October 30, 2020 @ 7:15 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Lumabas na maraming Filipino ang lubhang mataas ang kagustuhang makiisa sa hakbangin para ma-trace ang mga nagkaroon ng close contact sa pasyenteng may coronavirus disease 2019, ayon sa survey.

Sa 1,249 respondents ng Social Weather Stations sa kanilang survey na isinagawa noong Setyembre 17 hanggang 20, 97% ang nagsabing handa silang magpa-self quarantine kung nagkaroon sila ng contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Lumabas sa survey na 96% ang nagsabing ililista nila ang kanilang mga kontak kapag nagkaroon sila ng respiratory disease; 93% ang nagsabing ibibigay ang kanyang cellphone location data at 87% ang magboboluntaryong sumailalim sa testing para masubaybayan ang progression ng virus.

Mas mataas umano ang resultang ito kaysa sa kagustuhang makipag-cooperate sa contact tracing effort sa US na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa survey ng Americans sa pamamagitan ng Axios/lpsos noong Mayo, lumabas na 84% ang handang sumailalim sa self-quarantine kapag nagkaroon sila ng kontak sa sinomang nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabi ring survey, 76% ang magbibigay ng listahan ng mga taong nakasalamuha nila; 59% ang boluntaryong magpapasuri at 56% ang magbibigay ng kanilang cellphone location.

Nabatid na nakapagtala ang US ng 229,000 kataong nasawi sa COVID-19 habang 7,185 sa Pilipinas. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...