Kahalagahan ng circular explorer sa circular economy, kinilala

Kahalagahan ng circular explorer sa circular economy, kinilala

July 14, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ni Sen. Cynthia A. Villar na mapananatili ng circular explorer ang likas na yaman at maililigtas ang ating kapaligiran sa patuloy na pagkasira.

“As an active proponent of recycling and responsible waste management, I am confident, that the circular explorer will be effective in promoting recycling and raising awareness on responsible consumption and production that will have lasting benefits for us and the environment,” ani Villar.

Guest speaker ang senador, chairperson ng Senate committee on environment and natural resources, sa paglulunsad ng circular explorer ng Holchim Group at One Earth One Ocean sa Manila Yacht Club.

Ang circular explorer ay solar powered recycling catamaran na magsusulong sa sustainable practices at commitment sa circular economy sa pamamagitan ng pag-recycle sa plastic wastes na nanggagaling sa coastal areas.

Sinabi ni Villar na makasaysayan ang paglulunsad dahil ito ang kauna-unahang renewable-powered recycling catamaran.

Muli siyang nananawagan sa responsableng paggamit at production patterns ayon sa United Nation’s Sustainable Development Goals (SDGs)— SDG No. 12.

Aniya, sumumpa ang Pilipinas sa mga layuning ito upang paitingin ang scientific, technological at innovative capacities ng developing countries sa pagsusulong ng sustainable patterns ng consumption at produksyon.

Dahil dito, sinabi ni Villar na sumasang-ayon siya sa paninindigan ng grupo na “accelerating the circular economy is only possible with stakeholders teaming up and working together to find solutions”.

“This is really a perfect platform for stakeholders from the country’s scientific and academic communities, business and industry sectors as well as government agencies to promote awareness and spur actions in circularity in production processes and resource management,” giit ni Villar.

Binigyan diin ni Villar na mabilis na nakikilala ang circular economy o ang paglipat sa circular living. inindorso at pinagtibay ito ng mga pamahalaan sa buong mundo.

“I think this circular model will help our existing efforts in waste management here in the Philippines as it has in other countries,” ayon kay Villar.

“The circular model is about keeping resources in circulation or in the loop for as long as possible. So, it means there will be lesser and eventually no more plastic wastes ending in landfills or reaching our seas and polluting our water sources,” dagdag pa ng senador. Ernie Reyes