Kahalagahan ng health literacy, isinusulong ng DOH

Kahalagahan ng health literacy, isinusulong ng DOH

January 28, 2023 @ 12:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na napakahalaga ang pagpapalakas ng health literacy ng mga indibidwal sa pagbuo ng malusog na komunidad.

Ayon kay Dr. Miguel Mantaring, DOH health promotion bureau division chief, mahalagang malaman ng publiko ang mga bagay na makakaapekto sa kalusugan ng isang tao.

Nakalista ang health literacy bilang isa sa mga pangunahing estratehiya sa Health Promotion Framework Strategy 2023-2028, kasama ang malusog na pamamahala at mga setting.

Ipinunto rin aniy ang pangangailangan na pahusayin ang “baseline factors ” tulad ng mga socioeconomic factors, physical environment, health behaviour ay healthcare “upang matulungan ang mga tao na gawing mas madali ang isang malusog na mga desisyon.”

Binigyang-diin din ni Mantaring ang pangangailangan ng presensya sa lokal na komunidad at suportado ng ating mga local decision makers. Jocelyn Tabangcura-Domenden