Kahalagahan ng library kontra misinformation ibinahagi ni Duterte

Kahalagahan ng library kontra misinformation ibinahagi ni Duterte

November 4, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Idiniin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Biyernes, Nobyembre 4 ang kahalagahan ng mga library o silid-aklatan upang labanan ang misinformation online.

Sinabi ito ng Bise Presidente sa pagbubukas ng 32nd Library and Information Services Month sa Maynila.

“Those waters are often perilous, like the deep ecosystem, that if not managed well, not utilized well, may confuse the public, steal away quality and truthful information, contribute to miseducation, and lead them right through its darkest path,” ani Duterte.

“We have seen how accessibility to online information has diluted depth and quality, or how convenience watered down hard work, diligence, and thirst for knowledge,” dagdag niya.

Binanggit rin ni Duterte ang nakaasa na lamang ang ilang mga tao sa digital platforms na kanilang pinagkukuhanan ng impormasyon.

“This is true across the country, and true enough, we only need Google, and all the information you supposedly need would come streaming before you in seconds. You only need to click a link that you think is relevant, you feel is relevant but not sure if it is relevant. But that’s not a problem. You can find another link if you are unsure, and then another,” aniya.

Ang mga impormasyon umano ay maaari na lamang makopya basta-basta at mailagay sa isang research project nang hindi man lamang nabubusisi kung ito ba ay tama o hindi.

“I find this part of technology worrisome as a mother of three young children with access to technology and online information, [and] I am aware of the possibility of them wandering around the dark side of the online world,” ani Duterte.

Aniya, sa mga silid-aklatan, ang publiko ay talagang makadidiskubre ng mga impormasyon na lehitimo at binuo ng panahon.

Sa kabila nito, nilinaw niya na hindi niya pinasasama ang imahe ng teknolohiya at digital information.

“This brings me back to the relevance of advocating for the importance of libraries, given that they are founded on the idea of a real community organizing a wealth of information and serving for the personal enrichment of the people,” dagdag pa ni Duterte.

“This is our weapon against misinformation, against inciting hate, against peddling lies, because here in libraries, we are assured that information is real, accurate, and correct,” giit niya.

Pinuri naman ng Bise Presidente ang National Library of the Philippines sa kanilang dedikasyon bilang katuwang ng Department of Education sa pagpapanatili ng integridad ng mga silid-aklatan bilang maaasahan, totoo at tamang mapagkukunan ng impormasyon. RNT/JGC