Kahalagahan ng mental health iginiit ng CHR

Kahalagahan ng mental health iginiit ng CHR

July 12, 2021 @ 3:20 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) ang kahalagahan ng mental health pati na kalusugang pisikal sa panahon ng pandemya.

“While understandable, our reactions and behaviors can add significant distress and anxiety to our already stressful circumstances,” ayon sa CHR.

Nagsagawa ng “Mental Health Webinar” ang CHR kasama ang mga tauhan at opisyal nito kung saan panauhin si Majella Tumangan-Villaroma, isang international health management strategist.

Pinagtuonan sa webinar ang “what we do to better support ourselves during this difficult time.”

Ayon kay Tumangan-Villaroma, isang “critical life skill” ang katatagan ngayong pandemya.

Pinaliwanag din nito ang react, refuse, or resist (3Rs).

“These 3Rs take place because of uncertainty, disorientation, and fear of failing at something unknown,” aniya.

Punto nito na ang pagiging matatag ay nauuna bago “coping up.”

“It is the ability to adapt during crisis and stressful times in order to thrive and not just survive,” ani Tumangan-Villaroma.

Giit nito na ang matatag na tao ay kayang maka-adapt sa anumang sitwasyon.

Upang maging matatag na tao, ayon kay Tumangan-Villaroma kailangan ng “commitment,” “challenge,” at “control.”

Ang pagiging matatag, dagdag nito ay kayang ipahayag ang sarili, alagaan ang sarili, at humingi ng tulong kapag nababahala. RNT/ELM