Kahalili ni Joma, mahihirapan sa pagbuhay sa communist movement – Bato

Kahalili ni Joma, mahihirapan sa pagbuhay sa communist movement – Bato

December 19, 2022 @ 4:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Maaaring natatanaw na ang wakas ng Maoist insurgency sa bansa kasunod ng pagkamatay ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison, ayon sa senador nitong Lunes.

Sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na sinumang hahalili kay Sison ay maharap sa “extreme” difficulties.

“Prior to the death of Joma Sison… ‘yung insurgency ng ating bansa, brought about by the CPP-NPA-NDF, was already dying and the more it will be going to its extinction kapag namatay na si Joma Sison,” ani Dela Rosa, na dating police official. 

“Whoever will be designated by the Communist Party [of the Philippines] to succeed Joma Sison will face extreme difficulty in reviving a fake cause,” dagdag ng senador.

Si Sison, na nagtatag sa isa sa world’s longest-running Maoist insurgencies, ay pumanaw nitong nakaraang linggo sa edad na 83.

Namatay ang dating university professor sa The Netherlands, kung saan nabuhay siya sa self-imposed exile mula nang matapos ang peace talks noong 1987.

Samantala, wala namang nakikitang problema si Dela Rosa kung iuuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Sison.

“Kung iuuwi siya dito, for humanitarian reasons, tao rin naman ‘yan, Filipino rin naman ‘yan at may mga pamilya ‘yan dito naghihintay din, then pauwiin natin para mabigyan siya ng magandang libingnan ng kaniyang mga mahal sa buhay,” aniya.

Pumanaw si Sison matapos ang dalawang linggong confinement sa ospital sa Utrecht, ayon sa party, subalit hindi idinetalye ang eksaktong ikinamatay niya.

Sinabi naman ng defense department ng Pilipinas na maaaring maging sanhi ito ng pagwawakas ng karahasan sa bansa, at tinawag si Sison na “greatest stumbling block” sa kapayapaan.

“The death of Sison is but a symbol of the crumbling hierarchy” ng communist movement, anito, at nanawagan sa mga nalalabing rebelde na sumuko na.

“A new era without Sison dawns for the Philippines… Let us now give peace a chance.”

Nais ni Sison na pabagsakin ang gobyerno at magtatag ng Maoist regime na tutuldukan ang “US imperialism” sa dating American colony. 

HInirang ng US State Department ang communist party at armed wing nito na foreign terrorist organizations noong 2022. RNT/SA