‘Kahina-hinalang’ operasyon ng foreign vessels, iniimbestigahan ng Marina

‘Kahina-hinalang’ operasyon ng foreign vessels, iniimbestigahan ng Marina

February 20, 2023 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naglunsad ng imbestigasyon ang Maritime Industry Authority (Marina) ng imbestigasyon laban sa “kahina-hinalang” mga aktibidad ng  10 foreign vessels sa katubigan ng Pilipinas.

Sinabi ng Marina na ikinasa nito ang imbestigasyon matapos sitahin ng National Coast Watch Center (NCWC), isang inter-agency maritime surveillance at coordinated response facility, ang kanilang operasyon. Pinangungunahan ng Philippine Coast Guard ang NCWC at attached sa Office of the President sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.

Sa ulat nitong weekend, sinabi ng Marina na 10 foreign vessels, na karamihan ay Chinese, ang “allegedly engaged in suspicious activities and were observed to be operating outside their approved areas of operation as against the issued special permit by the Marina.”

Sinabi nito na nagsagawa ang mga abrko ng dredging at reclamation activities para sa Pasay Reclamation Development Project.

Ilan sa mga ito ang natukoy na naglayag sa labas ng approved areas of operation ng mga ito, partikular sa Nasugbu, Batangas, at Ambil Island sa Occidental Mindoro.

Inihayag ng Marina na napag-alaman ng NCWC na nag-ooperate ang mga vessel nang walang  kaukulang dokumento mula sa pamahalaan, kabilang ang dredging clearance, environmental compliance certificate, ore transport permit, memorandum of understanding, accreditation, at notice to proceed.

Nag-ooperate rin ang vessel nang may denied special permits at pekeng automatic identification system information.

Hindi rin umano nakakuha ang dredgers ng “no objection clearance” galing sa Office of the National Security Adviser, dagdag ng Marina.

Inendorso ang special report ng NCWC sa Marina para sa akmang aksyon. RNT/SA