Kahirapan mitsa ng pagpatay ni Estorial kay Percy Lapid

Kahirapan mitsa ng pagpatay ni Estorial kay Percy Lapid

October 18, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isiniwalat ng itinuturong gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid nitong Martes na nagawa niya ang krimen dahil sa kahirapan, at sinabing binayaran siya at mga aksamahan ngP550,000,

“Nadala lang po ako ng kahirapan. Wala po kasi akong trabaho sir, nakuan lang po ako sa pera,” ayon sa self-confessed gunman na si Joel Estorial nang iharap ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa media sa isang press conference.

Inilahad niya na siya at ang tatlong kasamahan na mula umano sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, ay binayaran ng nabanggit na halaga.

Binigyan si Estorial ng P140,000, na ayon sa kanya ay ipinasok sa kanyang bank account.

Humingi siya ng dispensa sa pamilya ni Lapid, o Percival Mabasa sa totoong buhay, sa pagkakasangkot sa pagpatay sa mamamahayag.

“Sana po, mapatawad po ako nila. Hindi ko naman kagustuhan iyon,” ani Estorial.

Sumuko si Estorial sa mga awtoridad nitong Lunes. Sinabi ni Abalos sna walang pumilit sa kanya na sumuko at naghain na ng extrajudicial confession kasama ang kanyang abogado.

Nauna na niyang inihayag na napilitan isyang patayin si Mabasa kung hindi ay siya ang papaslangin.

Nanawagan naman si Abalos sa mga kasabwat ni Estorial sa mga awtoridad dahil nanganganib din umano ang kanilang buhay.

Pinasalamayan naman ng pamilya ni Mabasa ang Philippine National Police (PNP )para sa development sa kaso ng pinaslang na mamamahayag.

“We hope this development leads to the identification, arrest and prosecution of the mastermind,” pahayag ng pamilya.

“We hope Percy does not become part of the statistics and continue to clamor for justice for Percy and the nearly 200 journalists killed since 1986,” dagdag pa nila. RNT/SA