Kahit anong employment stat, pasok sa cash aid ng DOLE

Kahit anong employment stat, pasok sa cash aid ng DOLE

January 24, 2022 @ 11:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lahat ng manggagawa, anoman ang kanilang empleoyment status , nawalan man ng trabaho o nasuspinde sa trabaho dahil sa pagpapatupad ng Alert Level 3 ay kwalipikadong mag-aplay para sa isang beses na P5,000 cash aid ng kagawaran.

Nilinaw ni DOLE Usec. Dominique Tutay sa isang panayam na lahat ng klase ng empleyado , ito man ay regular, contractual, probationary, o casual ay saklaw sa nasabing cash aid.

Dagdag pa niTutay, inaasahan ng labor department na nasa 200,000 empleyado ang mag-a-apply para sa P5,000 cash aid sa Metro Manila at iba pang lugar.

Aniya makatatanggap ang mga apektadong manggagawa ng nasabing halaga sa loob ng dalawang linggo matapos silang magsumite ng kanilang aplikasyon.

Sinimulan nang tumanggap ng aplikasyon ang DOLE ngayong Lunes, January 24 para sa cash assistance.

Naglaan ang DOLE ng P1 bilyon para sa financial assistance sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program (CAMP) 2022.

Ang mga kuwalipikado sa cash aid ay mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahilsa permanenteng pagsasara ng kanilang kompanya, gayundin ang mga empleyado na nasuspendi ang kanilang trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng negosyo ng kanilang employer sa ilalim ng Alert Level 3.

Sa mga manggagawa o indibidwal kailangan lamang magsumite ng mga sumusunod:

– Malinaw na larawan ng aplikante na hawak ang valid government-issued ID

– Duly notarized proof of unemployment (i.e. Certificate of Employment, Notice of Termination, Notarized Affidavit of Termination of Employment, o Notice of Temporary Lay-off) sumasaklaw sa panahon ng Alert Level 3 sa kanilang mga lugar.

– Aplikasyon na may kumpletong documentary requirements na isusumite online sa https://reports.dole.gov.ph.

Ilang mga lugar ang isinailalim sa Alert level 3 kabilang ang Metro Manila mula January 31 dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establisyimento ang pinapayagang mag-operate sa limitadong kapasidad na 30 porsyento ngunit exclusive lamang para sa mga indibidwal na fully vaccinated , 50 porsyento sa outdoor venue capacity bastat ang mga empleyado ay fully vaccinated

Ang in-person classes, contact sports, fun fairs/perya, at casinos ay kabilang naman sa mga aktibidad at establisyimento na ipinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden