Kahit ‘di pa kumpleto ang SAP 2, DSWD kumasa sa SAP 3

Kahit ‘di pa kumpleto ang SAP 2, DSWD kumasa sa SAP 3

August 6, 2020 @ 7:43 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kabila nang hindi pa kumpletong pamamahagi ng Social Amelioration Program cash aid sa beneficiaries, sinabi ng Department of Social Welfare and Development na handa sila kung sakaling magkakaroon ng ikatlong bugso ng ayuda.

Umugong ang usapin matapos na isailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at karatig-probinsya dahil sa taas ng kaso ng coronavirus disease.

Dahil dito, tinitignan ang posibilidad na muling pamamahagi ng ayuda sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

“Nakasalalay po sa ating mga mambabatas ang pagbibigay ng third tranche ng SAP. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tagapagpatupad lamang at nakahanda tayong gawin ang mga utos ng mga nakataas sa atin,” ani Social Welfare Undersecretary Rene Glen Paje.

Sa ngayon ay positibo naman ang DSWD na maaabot ang target nitong 100 porsyentong mabigyan ang mga beneficiary ng ikalawang tranche ng SAP hanggang sa kalagitnaan ng Agosto.

Ayon kay Paje na ngayong Agosto 6 ay umabot na sa P66,376,956,700 ayuda ang naipamahagi na sa 10,223,307 pamilya.

Ito ay 72.4% kumpleto na.

 “Tuloy-tuloy po ang pamamahagi ng DSWD ng ayuda sa lahat ng kwalipikadong beneficiaries. Patuloy na nagsisikap ang mga kawani upang matapos ang payouts sa kalagitnaan ng buwang kasalukuyan.” RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...