KAHIT LAMANG:  UP Fighting Maroons, nanghinayang sa laban kontra NU

KAHIT LAMANG:  UP Fighting Maroons, nanghinayang sa laban kontra NU

October 8, 2018 @ 2:51 PM 4 years ago


 

UAAP – Dismayado pa rin ang University of the Philippines  (UP) Fighting Maroons kahit sila ang nanalo kahapon sa National University (NU).

Ito ay dahil sa isang puntos na nilamang lang ng Fighting Maroons laban sa NU na nasa ikaapat na nilang straight loose.

“I think we could have won by a huge margin, but we gave them so many chances, and our free throws.” panghihinayang ni UP sophomore Juan Gomez de Liaño na umiskor ng 20 points, 7 rebounds, 6 assists, at 3 steals sa laro.

Kahapon ay nagawa pang mailayo ng UP ang lamang sa 18 points pero nakahabol ang NU at dahil lamang sa maling galaw ni NU guard JV Gallego ay nakapuslit ang Fighting Maroons ng isang puntos para magwagi sa 89-88.

Tanggap naman ni UP coach Bo Perasol ang naging laro dahil ang mahalaga ay natuto ang kanyang koponan.

“The positive way of saying it is, we won while learning. I’d rather have that learning and losing,” wika ni coach Perasol,

Sa ngayon ang UP ay may 3-3 standing na sa nagpapatuloy na UAAP Season 81.

Susunod naman silang sasabak sa Miyerkules kontra sa UST  (Remate News Team)