Kahit may COVID sirit, Pinas ‘low risk’ pa rin

Kahit may COVID sirit, Pinas ‘low risk’ pa rin

July 31, 2022 @ 10:40 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa ilalim pa rin ng “low risk” classification para sa COVID-19 ang Pilipinas, sa kabila ng kapansin-pansing pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso, sinabi ng Department of Health (DOH).

Gayundin, sinabi nitong nagtala ang bansa ng average daily attack rate (ADAR) na 2.52 bawat 100,000 populasyon noong Hulyo 28.

Ang ADAR ay ang average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 tao.

Samantala, sinabi ng DOH na “tiwala” ito sa tumpak na pag-uulat ng mga kaso at pagbabantay sa mga unit nito.

“Habang ang mga resulta ng antigen test ay hindi pa binibilang sa mga ulat ng DOH, sinusubaybayan namin ito sa pamamagitan ng aming Regional Epidemiology and Surveillance Units na sumusubaybay sa pagsunod sa antigen test reporting mula sa mga LGU (local government units) at mga pasilidad sa kalusugan,” anang kagawaran.

Muli, hinikayat ng DOH ang publiko na magkaroon ng COVID-19 jabs at sundin ang mga health protocols. RNT