Kahit may radio challenge sa Tsina, S. Madre resupply mission matagumpay-WesCom

Kahit may radio challenge sa Tsina, S. Madre resupply mission matagumpay-WesCom

December 19, 2022 @ 10:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – MATAGUMPAY na nakumpleto ng Western Command (Wescom) ang isa pang resupply mission sa binabantayan ng mga tropang pinoy na BRP Sierra Madre (LT-57) sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

“The Wescom of the Armed Forces of the Philippines announced the completion of another resupply mission on December 17 to troops manning the BRP Sierra Madre, which is grounded in Ayungin Shoal in the WPS,” ayon sa kalatas ng Wescom.

Ito’y sa kabila ng ginawang pagbabantay ng China Coast Guard (CCG) vessel, na may ilang China militia vessels sa nasabing bisinidad, hamon at pagsunod sa Philippine supply boat.

“The Chinese radio challenges would claim that the sea area near the Philippine ship is ‘under the jurisdiction of the People’s Republic of China,’ that they are allowing supplies to be delivered, and warned that bringing construction materials will be dealt with,” ayon sa Wescom.

Samantala, sinabi naman ni Wescom commander Vice Admiral Alberto Carlos, ang kahalagahan ng pananatili ng BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre malapit sa military garrison ng Chia sa Mischief Reef.

Ang BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost o military facility ng bansa na malapit lang sa Palawan.

“The Mischief garrison is in our country’s exclusive economic zone and is China’s closest military facility to Palawan. That is why resupply missions are critical in maintaining our presence in Ayungin,” ayon kay Carlos. RNT