Kahit may reklamong korapsyon: Pangulong Duterte, may tiwala at kumpiyansa pa rin kay Secretary Bello

Kahit may reklamong korapsyon: Pangulong Duterte, may tiwala at kumpiyansa pa rin kay Secretary Bello

July 19, 2018 @ 8:18 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mananatili pa rin sa kanyang puwesto si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa kabila ng reklamo at panawagan ng Kilusang Pagbabago National Movement for Change na sibakin na siya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nag-ugat ang reklamo laban kay Sec. Bello at dating Undersecretary Dominador Say nang isapubliko ni Kilusang Pagbabago National Movement for Change Secretary-General Monalie Dizon ang di umano’y pangingikil ng mga ito sa recruitment agency na Azzizzah International Manpower Services Inc.

“He still has the trust and confidence of the President,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, sinabi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na titingnan nila ang usapin ng korapsyon laban kina Sec. Bello.

Ang tugon naman ni Sec. Roque ay bahala na ang PACC na imbestigahan ang reklamo ni Dizon laban kina Bello at Say.

“That’s up to them (PACC),” anito.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Say noong Abril matapos mapaulat na tumanggap siya ng PHP6.8 million upang baligtarin ang desisyon ng DOLE na i-revoke ang lisensiya ng Azzizzah International Manpower Services. (Kris Jose)