Kahit may taong namatay na, bird flu ‘wag katakutan – DOH

Kahit may taong namatay na, bird flu ‘wag katakutan – DOH

February 28, 2023 @ 7:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi dapat katakutan ang bird flu dahil hindi naman ito karaniwang naipapasa sa mga tao.

Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na ang DOH sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay ng naitalang kaso ng bird flu sa hayop na naitala na sa ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

“Hindi para dapat mabahala, itong H5N1 it has been happening in certain part of the globe, panaka-naka–hindi siya nagtuloy-tuloy, hindi siya dumadami pero kailangan pa rin talaga  maghanda tayo at saka alam ng ating kababayan paano ma-prevent,” sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa World Health Organization (WHO), maaring magdulot ng nalang sakit ang H5N1 at may mataas na mortality rate.

Base naman sa ebidensya, hindi madaling nahahawa ang isang tao at hindi karaniwang naipapasa ang virus sa kapwa.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng ulat na nasawi ang isang 11 taong gulang na tinamaan ng bird flu sa Cambodia. Jocelyn Tabangcura-Domenden