Kahit patay na, Kristofer King, nagwagi sa Urian!

Kahit patay na, Kristofer King, nagwagi sa Urian!

November 11, 2020 @ 6:40 PM 2 years ago


Manila, Philippines—Muling pinatunayan ng mga nakaaalam o eksperto sa sining ng pelikula bilang komersyo na kahit patay na ang isang tao ay pwede pa ring dakilain dahil sa kanyang kakayahan sa pagbibigay-buhay sa buhay na walang kamatayan.

Ito ang naganap nang magwagi ang sumakabilang-buhay nang aktor na si Kristofer King bilang Best Supporting Actor sa ika-43 taon ng mapagpalayang organisasyon ng mga kritiko, ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino o MPP.

Sa gabi ng Gawad Urian na ginanap online ay iprinoklamang Natatanging Ikalawang Mahusay na Aktor si Kristofer para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang ‘Verdict’ na idinirek ni Raymund Ribay Gutierrez para sa Centerstage Productions, Bord Cadre Films at Films Boutique.

Ginampanan ni King ang papel ng isang lasenggo at alcoholic sa pelikula, na si Brillante Ma. Mendoza ang isa sa mga prodyuser.

Ginawa ni Kristofer ang proyekto ilang buwan bago siya pumanaw.

Para sa mga tunay na alagad ng sining, ang pag-arte ay walang kamatayan. Boy Villasanta