Kahit sino haharapin ko – Magsayo

Kahit sino haharapin ko – Magsayo

January 24, 2022 @ 1:35 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umano uurungan ng bagong WBC featherweight champion Mark Magsayo ang kahit sinomang fighters na magtatangkang agawin sa kanya ang hawak niyang  world title.

Ito ang sinabi ng 26-anyos na boksingero mula sa Tagbilaran City, Bohol matapos niyang talunin via split decision ang matagal nang naghahari-hariang si Gary Russell Jr sa laban nila na ginanap sa Atlantic City, New Jersey.

“Hindi ko aatrasan kahit sino pa ang gustong umagaw ng aking korona,” ani Magsayo.

Tinalo ng Pinoy boxer ang kasagupang American boxer nang magkaroon ito ng torn tendon sa tindi ng sagupaan nila sa 10th round dahilan para lumaban ito gamit lang ang iisang kamay.

Hindi pa naman tumutugon si Magsayo sa hamon ni Russel na magkaroon sila ng rematch.Rico Navarro