Kahit walang bakuna, Irving paglalaruin ng Nets

Kahit walang bakuna, Irving paglalaruin ng Nets

December 14, 2021 @ 12:31 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – May bagong pag-asa na magkapaglalaro ngayon season si star point guard Kyrie Irving para sa Brooklyn Nets kahit pa na ayaw nitong magpabakuna kontra sa COVID-19.

Hindi pa malinaw kung ang pagbabalik nito sa laro ay palatandaan na ito ay nagpabakuna na kontra COVID-19 o niluluwagan na ng team ang kanilang rules para makalaro si Irving sa kanilang road games.

Hindi nakapaglalaro si Irving, 29, dahil may batas sa New York City pwede ka lang papasukin sa isang building – kasama ang home arena ng Nets na Barclay center –  kung may bakuna ka na kontra COVID-19 kahit isang shot lang.

Bukod pa rito, nagdesisyon din ang team noong Oct. 12 na hindi nila papagayan si Irving na maging part-time player.

“He’s an elite player. We all know that. If he gets vaccinated, we’ll welcome him back on the team, but if he’s not vaccinated, we’ve made a decision that it would be too disruptive for him to come in and out of games, play only away games. So that was never going to fly. It’s that simple,” ayon kay Nets owner Joe Tsai noong Oktubre.

Matatandaang si Irving, isang seven-time All-Star, ay naglaro ng 54 regular-season games para sa Nets noong huling season at may averaged na 26.9 points, 6.0 assists at 4.8 rebounds.Rico Navarro