Kahit walang sintomas ng COVID-19: Go, ilang cabinet secretary, magse-self quarantine dahil kay Cong. Yap

Kahit walang sintomas ng COVID-19: Go, ilang cabinet secretary, magse-self quarantine dahil kay Cong. Yap

March 26, 2020 @ 10:43 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sasailalim si Senador Bong Go sa 14 day self-quarantine matapos magpositibo si House Appropriations Chairman at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap sa COVID-19.

“I am left with no choice but to comply,” ayon kay Go.

Nilinaw ni Go na gagawin niya ito sa kabila ng wala naman siyang nararamdamang sintomas ng sakit.

“It is unfortunate that Cong. Eric Yap has tested positive for COVID-19. We are currently initiating contact tracing, particularly those present during a meeting I attended last Saturday.”

“Puro po ako trabaho noong nakaraang mga araw. Wala naman po akong nararamdamang sintomas ng sakit. But since protocol requires that those who were directly exposed to persons positive for COVID-19 need to undergo self-quarantine, I am left with no choice but to comply,” ayon kay Go.

Gayunpaman, lagi naman aniya siyang handa na gampanan ang kanyang tungkulin.

Pinili aniya niya ang trabahong ito na magserbisyo sa bayan at sa mga mamamayang filipino kaya aniya patuloy siyang maglilingkod sa lahat.

“I am always ready to fulfill my duties as a senator and public servant – anytime, any minute, regardless of the situation – in a manner that will not put others at risk. I will continue to serve and I am ready to die serving my fellow Filipinos,” ang pahayag ni Go.

Sa kabilang dako, maliban kay Go ay magse-self quarantine rin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Ronaldo Bautista bilang pagsunod sa protocol sa COVID-19 positive na nakasalamuha nito.

“Yes po, I will to for self-quarantine ng ilang araw. Wala naman po akong nararamdaman and I feel very good,” ayon kay Sec. Bautista.

Ani Sec. Bautista, gusto niyang pumasok sa trabaho ngayong Huwebes, Marso 26 dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit kapag hindi nagtrabaho subalit ayaw aniya nitong kumalat ang coronavirus disease.

Samantala, kasama sa pulong noong Sabado sa Malacañang si Budget Secretary Wendel Avisado at bagamat wala aniya siyang direct contact kay Cong. Yap ay sasailalim ulit siya ng panibagong self-quarantine.

“Opo kasama namin siya [Yap] although wala kaming direct contact, but just the same, mag-another round na naman ako ng self-quarantine as precautionary measure,” ani Avisado.

Nilinaw naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala si Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado sa Malacañang at sila lamang ang nakasama sa pulong kaugnay sa paghingi ng special powers para sa Pangulo.

Iginiit ni Lorenzana na mayroong social distancing at nakasuot sila ng face mask nang makapulong si Cong. Yap. Kris Jose/Nats Tabpy


  •  
  •  
  •  

Loading...