Kai bida sa panalo ng 36ers vs NBL no. 1 Melbourne United

Kai bida sa panalo ng 36ers vs NBL no. 1 Melbourne United

January 30, 2022 @ 2:34 PM 8 months ago


MANILA, Phillippines – Muling nagpakita ng magandang laro si Kai Sotto Adelaide 36ers matapos kumana ng winning jumper para gulatin at talunin ang National Basketball Association (NBL) leader na Melbourne United, 88-83, sa  overtime, nitong Linggo sa  Adelaide Entertainment Center.

Itaas ni Kai ang karangalan matapos kumana ng isang matamis na pull up jumper habang may 33.0 segundo ang natitira sa overtime upang tapusin ang kanyang stellar na 12-point, 4-rebound, at 1-assist outing sa loob ng 21 minuto at 15 segundo ng aksyon.

Ito ang ikatlong sunod na laro na umiskor si Sotto sa double figures, na tumulong kay Adelaide na tapusin ang tatlong larong skid at umangat sa kartadang  4-3.

Nanguna sa opensa ng 36ers si Dusty Hannahs na umiskor ng kanyang 19 puntos sa overtime na siya ring nagtabla sa laban sa iskor na 74 laban sa tiyempong 13.5 segundo sa regulasyon upang mapwersa ang overtime.

Kumana si Todd Withers ng 17 puntos at limang rebounds bago nag-foul out sa nalalabing 2:17 sa fourth quarter, nagdagdag si Cameron Bairstow ng double-double na 16 puntos at 12 boards, at umiskor din si Daniel Johnson ng 12 para tapusin ng Adelaide ang eight-game win streak ng Melbourne. .

Natapyas ang kalamangan ng 36ers sa 61-51 upang lumamang pa ang Melbourne sa iskor na 74-70 matapos ang corner three ni Shea Ili habang may natitira pang 55.6 segundo sa final period.

Susubukin ng Adelaide na mapanatili ang magandang laban kontra Melbourne sa pagsabak nito kontra Brisbane Bullets sa Huwebes.

Nanguna si Jo Lual-Acuil sa United na may 23 points, 12 rebounds, at dalawang blocks, habang si Jack White ay may 18 points at 11 boards sa kabiguan na nagpabagsak sa defending champions sa 8-3.JC