Kai ‘di paglalaruin sa Asia Cup?

Kai ‘di paglalaruin sa Asia Cup?

July 7, 2021 @ 12:51 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Nanganganib na hindi makapaglaro ang pambatong sentro ng Gilas Pilipinas na Kai Sotto  sa gaganaping FIBA Asia Cup sa susunod na buwan.

Matatandaang solido ang naging debut game ng 7-foot-3 Sotto sa third window ng  FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia.

Sigurado umanong malaking tulong ang 20-year-old NBA prospect sa pagsabak ng Gilas sa Asia Cup  sa Aug. 17-29 meet sa Indonesia.

“It is still being discussed,” ani Ryan Gregorio, special assistant ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, kaugnay sa paglalaro ni Sotto sa Asia Cup.

Si Sotto, nakatakdang maglaro sa Adelaide 36ers sa National Basketball League sa Australia, ay may averaged na nine points, 4.5 rebounds at 1.5 assists sa OQT matches kontra sa powerhouse Serbia at Dominican Republic.

“I learned a lot and I can’t wait for the next time to play with my team,” wika nito Sotto sa interview sa FIBA website matapos ang OQT campaign.

Kasama si Sotto sa Gilas team na sumasailalim ngayon sa quarantine sa Conrad Hotel matapos dumating mula sa Serbia, ayon kay Gregorio.Rico Navarro