Kai kumana ng 20 points sa panalo ng Dragonflies

Kai kumana ng 20 points sa panalo ng Dragonflies

March 16, 2023 @ 2:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines — Nagpakawala ng 20 puntos si Kai Sotto para pangunahan ang Hiroshima Dragonflies na talunin sina Matthew Wright at Kyoto Hannaryz, 102-95, sa 2022-23 B.League season noong Miyerkules sa Hiroshima Sun Plaza Hall.

Ang 7-foot-3 center ay tumarak ng 9-sa-14 mula sa field at humakot ng walong rebounds at isang steal sa loob ng 23 minutong aksyon bilang starter para maputol ang two-game skid ng Hiroshima.

 “I’m happy to be in this team..I’m very happy that I got my first home win tonight,” ani Sotto patungkol sa fans.

Nagningning din si Kerry Blackshear Jr. para sa Dragonflies na may 17 puntos at walong rebounds.  Umiskor si Ryo Terashima ng 16 puntos, walong assists, at limang rebounds, habang umiskor din si Nick Mayo ng 16 at naglabas ng limang assist para iangat ang rekord ng kanilang koponan sa 29-11.

Tinalo ni  Sotto ang kanyang kababayan, ang mainit na shooting night ni Matthew Wright na may pitong three-pointer.

Nagtapos si Wright na may 26 puntos, walong assist, dalawang rebound, at dalawang steals sa 36 minutong aksyon, habang si Cheick Diallo ay may 21 puntos at 10 rebounds.

Naputol ang two-game winning streak ng Kyoto nang bumagsak ito sa 16-24 record kung saan iginiit ng Hiroshima ang kanyang mastery mula sa kanilang unang pagkikita noong Nobyembre nang manalo ito, 81-74.

Samantala, sa wakas ay ginawa ni Carl Tamayo ang kanyang debut sa B.League na may limang puntos, isang rebound, at isang steal nang sugurin ng Ryukyu Golden Kings ang Nagoya Diamond Dolphins sans Ray Parks Jr., 79-74, sa Okinawa Arena.JC