Kai makapapasok sa NBA – Clarkson

Kai makapapasok sa NBA – Clarkson

August 31, 2022 @ 8:44 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Jazz star Jordan Clarkson na makakapasok sa mas mataas na basketball stage o NBA ang kanyang kakampi sa Gilas Pilipinas na si Kai Sotto.

Nakita umano ni Clarkson ang potensiyal ni Sotto sa kanyang murang edad.

Sinabi ni Clarkson na ang 7-foot-3 na 20-anyos na Filipino tower ay may kamtang abilidad upang makapasok sa NBA basta’t panatilihin nito ang training at pagkuha ng experience para sa patuloy na paglago sa kabila ng lahat ng problema.

 “Para kay Kai, just stay with it — hindi para bumaba o sumuko. Sa tingin ko ay may magandang kinabukasan siya. Bata pa siya at nag-aaral pa lang,” ani ng Filipino-American pride na nanguna sa panalo ng Gilas’ 84-46 kontra sa Saudi Arabia sa FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers.

Si Clarkson, ang 6-foot-4 guard mula sa Utah Jazz, ay gumawa ng 23 markers, limang rebounds at anim na assists habang si Sotto ay may 16-13 na linya kasama ang apat na blocks para i-banner ang 38-point win ng Gilas.

Iyon pa lamang ang pangalawang laban na magkasama nina Clarkson at Sotto pagkatapos ng kanilang unang team-up laban sa Lebanon.

Sa maiksing panahon na magkalaro, nakabuo ang dalawa ng malupit na koneksyon gaya ng isang serye ng mga alley-oop play para sa Gilas.

Namangha si Clarkson sa versatility ni Sotto sa kanyang laki na maaaring maging sandata nito sa pag-usad pagkatapos na ma-undrafted sa NBA Rookie Draft ngayong taon.

“Sobrang galing niya. Kaya niyang saluhin ang bola, kaya niyang i-space ang floor, kaya niyang ilagay idribble ang bola at viagrageneric gumawa ng plays, kaya niyang i-shoot ito at i-space ang floor,” dagdag ni Clarkson, ang 2021 NBA Sixth Man of the Year.

Dahil sa nalalapit na ikalawang season para sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL) sa huling bahagi ng taong ito, wala nang patutunguhan si Sotto kundi pataas.

“Sky is the limit para sa kanya. I didn’t make it to the league (NBA) until I was 22 years old kaya may time siyang maghanda. Proud ako kay Kai. He’s taking steps in the right direction so I’m happy for him and can’t wait to see him continue to grow,” Clarkson beamed.RICO NAVARRO