Kai paglalaruin sa Gilas sa November window

Kai paglalaruin sa Gilas sa November window

October 23, 2022 @ 11:11 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bilang kapalit ng na-injured na si June Mar Fajardo, sinisilip ng Gilas Pilipinas na paglaruin si Kai Sotto para sa ikaapat na window ng Fiba Basketball World Cup Asia qualifiers sa susunod na buwan.

Ayon kay head coach Chot Reyes, ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay nakikipag-ugnayan sa Basketball Australia kaugnay sa availability ni Sotto para sa window ng Nobyembre.

“Alam ko na inaayos ito ng SBP sa Aussie basketball. We don’t know kung ano ang sagot,” ani Reyes.

Sa orihinal na plano ng mga manlalaro mula sa San Miguel, TNT, at Barangay Ginebra na ginawang available para sa window ng Nobyembre, hindi bahagi ng pool si Sotto dahil naglalaro din siya para sa Adelaide 36ers sa NBL.

Gayunpaman, kamakailan ay nawala sa Gilas Pilipinas ang six-time PBA MVP June Mar Fajardo para sa darating na window kasunod ng operasyon sa kanyang lalamunan dahil sa hindi sinasadyang siko ni Rain or Shine import Steve Taylor Jr.

Maaaring available si Sotto para sa window ng Nobyembre dahil magpapahinga ang NBL sa window ng Nobyembre. Base sa iskedyul ng 36ers, haharapin nila Perth Wildcats sa Nobyembre 5, sasabak sila laban sa Melbourne sa Nobyembre 17.

Maglalaro sa road game ang Gilas Pilipinas sa ika-apat na window habang makakaharap ang Jordan sa Nobyembre 10 at Saudi Arabia sa Nobyembre 13.

Anuman ang maging resulta ng kay Sotto, kumpiyansa si Reyes na kayang punan ng pool ang kawalan ni Fajardo. Kabilang sa mga bigs na bahagi ng pool ay sina Japeth Aguilar at Poy Erram, at naturalized player na si Ange Kouame.JC