Kai Sotto ‘di na lumaro sa Ignite

Kai Sotto ‘di na lumaro sa Ignite

February 23, 2021 @ 7:53 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES  – Halos matatapos na ang laro ng Ignite Team sa regular season nang pinaigsing NBA G League season, hindi pa rin pumapasok sa Orlando bubble si Filipino center Kai Sotto para maglaro sa Ignite Team.

Ayon sa ulat, halos isang Linggo na nasa US si Sotto pero hindi pa rin ito pumapasok sa bubble upang sumama sa paglalaro ng Ignite Team sa developmental team.

Kinumpirma ito ng source at sinabing ang 7-foot-3 big man ay wala sa Disney World Resort sa Orlando kung saan ginaganap ang pinaigsing season ng G League sa bubble.

“Kai is not currently in Orlando with Ignite,” ayon sa source.

Umalis si Sotto sa Pilipinas noong February 14 matapos maunsiyame ang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.

Inamin ng Ignite Team na hindi umano sila kinakausap o kinokontak ng kampo ni Sotto para gawin ang proseso sa pagpasok nito sa bubble kung gusto umano nitong maglaro sa Ignite.

Para makapasok sa Orlando bubble, kailangang magsumite si Sotto ng anim na negatibong coronavirus tests.

Nakalaro na ang Ignite ng 7 laro sa nakatakdang 15 games sa regular season at nagwagi na ng lima.

Matatapos ang regular season sa March 6 at ang top 8 teams ang aabanse sa single-elimination playoffs at gaganapin ang final sa March 11. Rico Navarro


  •  
  •  
  •