Kai Sotto namasyal sa Boracay

Kai Sotto namasyal sa Boracay

July 14, 2021 @ 12:15 PM 1 year ago


KALIBO, Aklan – Pahinga muna umano sa paglalaro ang 7-feet-3 inches na player ng Gilas Pilipinas at Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League (NBL) na si Kai Sotto at nagbakasyon grande ito sa isla ng Boracay.

Ibinahagi ni Sotto ang kanyang litrato sa social media account kung saan kasama nitong nababakasyon ang kanyang pinsan.

Enjoy na enjoy si Sotto sa pamamasyal sa ilang tourists spot sa Boracay at paliligo sa dagat.

Nakatuwaan din ni Sotto na subukan ang patok sa mga turistang hair braiding habang nakabakasyon sa isla.

Ayon kay Sotto namahinga muna siya dahil sa sobrang pagod din sa training at sa pagsabak sa FIBA Asia Cup qualifiers at sa Olympic Qualifying Tournament.

Inaasahang sasabak din sa paghahanda si Sotto para sa paglalaro ng bansa sa FIBA Asia Cup sa Agosto.Rico Navarro