Kai Sotto nangingitlog sa B. League

Kai Sotto nangingitlog sa B. League

October 16, 2022 @ 9:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling na namang hindi naka-iskor si Kai Sotto para sa Adelaide 36ers ngunit sa pagkakataong ito, nasungkit ng kanyang panig ang 90-80 panalo laban sa Illawarra Hawks sa 2022-23 NBL season na ginanap sa Adelaide Entertainment Centre.

Naglaro lamang ang Filipino center ng 11 minuto at sumablay ang magkabilang tira ngunit ipinadama ang kanyang presensya sa defensive end, humakot ng pitong rebounds at bumutata ng dalawa sa naging panalo ng home team.

Nanguna para sa Adelaide si raig Randall II na kumamada ng 28 puntos kasama ang anim na tres , apat na board at tatlong assist.

Umambag naman si Robert Franks ng 16 puntos at siyam na rebounds, si Antonius Cleveland ay nakakolekta ng 16 puntos, dalawang assist, dalawang steals, at dalawang block, habang si Daniel Johnson ay nakakuha ng 10 puntos, walong dime, at limang board sa panalo.

Ibinuhos ng 36ers ang puntos sa  fourth quarter, gamit ang 32-point fourth quarter finishing kick para makabangon mula sa kanilang 97-72 pagkatalo sa Tasmania JackJumpers noong Huwebes.

Sunod na haharapin ng Adelaide ang Sydney Kings sa road game sa Biyernes.

Nanguna si Deng Deng sa Illawarra (1-3) na may 18 puntos, limang rebounds, at tatlong assist sa naging  pagkatalo.

Napapansin umano ng mga fan na pasama ng pasama ang laro ni Kai dahil nadedemoralize ito sa hindi paggamit at hindi pagbibigay ng minuto sa kanya ni coach CJ Bruton.

Nagtatanong tuloy ang fans kung bakit ginagawang kawawa ng 36ers si Kai.JC