Kai Sotto sabik na makasagupa ang Phoenix Suns, Oklahoma Thurders

Kai Sotto sabik na makasagupa ang Phoenix Suns, Oklahoma Thurders

September 28, 2022 @ 4:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi nawawala sa isip ni Kai Sotto ang kanyang ultimate goal na maging unag homegrown Filipino player sa NBA kahit naghahanda ito sa kanyang ikalawang season kasama ang Adelaide 36ers sa Australian National Basketball League (NBL).

“Hindi ako makatulog sa gabi nang hindi naaalala ang katotohanan na hindi ako na-draft,” ayon kay Sotto.

Ngunit sa halip na pag-isipang hindi napili sa 2022 NBA Draft, ginagamit ito ng 7-foot-3 center bilang isang motibasyon upang itulak ang mas mahirap na pag-asang matupad ang kanyang pangarap sa NBA.

“Kaya nga nandito ako ngayon sa NBL. That’s what keeps me going. It gave me a better sense of direction. Now I know what to do,” hirit nito.

Makakakuha ng maikling pagkakataon si Sotto na isulong ang mga layuning iyon habang papunta si Adelaide sa US para sa isang pares ng laro ng NBL vs NBA.

Makakaharap ng 36ers ang Phoenix Suns sa pangunguna nina Devin Booker, Chris Paul, at DeAndre Ayton sa Lunes, bago magtungo sa Louisiana para harapin ang Oklahoma City Thunder sa pangunguna ni Aussie guard Josh Giddey sa Biyernes.

Ito ay isang pag-asa na nagpapasigla kay Sotto at nangako siyang walang ibibigay kundi ang kanyang makakaya upang mapabilib ang mga scout sa pangunguna sa NBL campaign ng Adelaide.

“It’s a dream come true to play in an NBA environment, NBA teams, NBA court, NBA fans,” sabi ng Filipino big. “Medyo nasasabik ako.”RICO NAVARRO