Cultural Mapping Bill, oks na sa bicam

March 28, 2023 @5:26 PM
Views: 9
MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang reconciled version ang panukalang naglalayon na i-develop ang preserbasyon ng cultural assets ng Pilipinas sa pamamagitan ng cultural mapping.
Isinusulong ng Cultural Mapping Bill na amyendahan ang National Cultural Heritage Act of 2009 sa pagmandato sa local government units na magsagawa ng cultural heritage mapping ng kanilang mga lugar ito man ay tangible at intangible, at natural at built heritage, at para tugunan ang mga bagong banta mula sa nagbabagong cultural landscape dahil sa digital transformation.
“Cultural heritage affirms our identity as a people. Our history and traditions reflect our values and beliefs. But, more than the cultural demonstration of our heritage, the wealth of knowledge that has been passed on from one generation to another to the next is much more significant and valuable as this knowledge would be the proof of our uniqueness and what will define us as a human race,” pahayag ni Senator Loren Legarda, chair ng Senate committee on culture and the arts.
Base kay Legarda, isa ang promosyon at preserbasyon ng cultural heritage sa pamamagitan ng integrated education approach sa mahahalagang probisyon na ini-adopt mula sa bersyon ng Kamara sa panukala.
“And so, we are working hard for the Cultural Mapping bill to be passed because we believe this is one of the best legacies that we could give the future generations of Filipinos,” dagdag niya.
Sa ilalim ng panukala, makikipag-ugnayan ang LGUs sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), iba pang cultural agencies, at ilang national agencies sa bansa.
Raratipikahan na ang panukala sa Senado at Kamara tsaka ipadadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siyang magdedesisyon kung aaprubahan o ive-veto ito. RNT/SA
Digong binati ni PBBM sa ika-78 kaarawan

March 28, 2023 @5:13 PM
Views: 26
MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-78 kaarawan, ngayong araw ng Martes, Marso 28, 2023.
Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Pangulong Marcos na “What a pleasure for me to wish happy birthday to ating predecessor, PRRD. Happy birthday to you, Mr President.”
Sinabi pa ni Pangulong Marcos, naiintindihan na niya ngayon si Duterte kung bakit kung minsan, noong Pangulo pa siya ng Pilipinas ay napapamura ito.
“Now I know why. Pero huwag niyong inaalala lahat ng magandang sinimulan ninyo, we will continue to work on it. We will contineu to make sure that those projects that you started will be successful and I am glad that I am able to continue the good work that you started,” ani Pangulong Marcos.
Hindi naman alam ni Pangulong Marcos kung paano makakapag-relax pa si Duterte matapos ang “lifetime of work” subalit umaasa siya na maghihinay-hinay na ito sa trabaho at magkaroon ng maayos na selebrasyon ng kanyang kaarawan.
“And so… I don’t know kung makapag-relax ka because after a lifetime of work, I don’t know if you still know how to take it easy but if you got the chance, please have a good celebration. happy, Happy birthday PRRD!,” ang pagbati ni Pangulong Marcos. Kris Jose
LTFRB, naglabas ng memo vs sexual harassment sa mga PUV

March 28, 2023 @5:00 PM
Views: 14
MANILA, Philippines – Malalagot na ang mga operator, drayber, konduktor at mga empleyado na mahuhuli sa mga aktong may kinalaman sa sexual harassment sa loob ng public utility vehicles (PUV), ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang pahayag nitong Lunes, Marso 27, inihayag ng LTFRB na tinututukan ng Safe Spaces Act ang “gender-based sexual harassment” sa mga kalsada, pampublikong lugar, trabaho, paaralan, at pati na sa internet.
Kabilang sa LTFRB Memorandum Circular No.2023-016 at Safe Spaces Act na patawan ng parusa ang mga mahuhuli na nagmumura, tumatawag o nagkokomento na may bahid ng kalaswaan at kabastusan, pangungutya sa kasarian, at mga katagang may kinalaman sa pribadong buhay ng isang tao, kabilang na ang mga “sex jokes.”
Para sa unang paglabag, ang sinumang mahuhuli ay pagmumultahin ng P5,000 at papatawan anim na buwang suspensyon.
Multa naman na P10,000 at isang taon na suspensyon ang ipapataw para sa ikawalang paglabag, at P15,000 at pagbawi ng CPC ng sasakyan ang para sa ikatlong paglabag. RNT
Verified accounts na lang pwedeng bumoto sa Twitter polls mula April 15 – Musk

March 28, 2023 @4:48 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Elon Musk nitong Lunes na tanging verified Twitter accounts na lamang ang maaaring bumoto sa polls simula April 15, na ayon sa CEO ng social media company ay makatutulong sa pagtugon sa AI bots.
Sinabi rin ni Musk na tanging verified accounts na lamang ang eligible para sa Twitter’s For You recommendations, kung saan idini-display ang stream ng tweets mula sa mga account sa Twitter.
Hindi agad nagkomento ang Twitter hinggil dito.
Nitong nakaraang taon, sinabi ni Musk na lilimitahan ng Twitter ang pagboto sa policy-related polls sa nagbabayad na Twitter Blue subscribers. RNT/SA
PNP magpapakalat ng 78K pulis sa Semana Santa, ‘summer’ break

March 28, 2023 @4:36 PM
Views: 22