Kai taga-palakpak lang ng Hiroshima vs Ryukyu

Kai taga-palakpak lang ng Hiroshima vs Ryukyu

March 9, 2023 @ 1:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mistulang taga-palakpak lang ng team si homegrown Filipino NBA aspirant Kai Sotto at hindi nagpakita ng may kalidad na laro sa debut game nito sa Hiroshima Dragonflies kontra Ryukyu Golden Kings.

Kahit pa pumuntos ito ng 10 points, tatlong blocks, dalawang boards, at isang steal sa loob ng 19 minuto bilang starter, hindi ito nakatulong sa Dragonflies na maipanalo ang laro at kadalasa’y inilalabas dahil sa estilo ng paglalaro nito.

Inaasaha sanang kukuha ng rebound, tila mas gusto ni Sotto na maglaro sa labas at magtitira ng 2 points, na ikinadismasya ng mga nanonood at mga taong umaasa sa kanyang laro.

Ito rin ang dahilan kaya lagi siyang nailalabas ng kanyang coach.

Dahil tamad maglaro at dumipensa, hindi halos pinaglaro si Kai sa huling quarter kung saan kailangan sana ang kanyang serbisyo bilang rim defender, blocker at rebounder.

Ayon sa isang fan, sayang umano ang laki ni Sotto at walang kalidad ang laro nito na hinuhulaan niyang malabong makapasok sa NBA. Inamin nitong natatabangan na rin siyang panooring maglaro si Kai Sotto dahil hindi ito naibababad sa laro dahil nga walang kalidad ang laro nito at  hindi alam kung saan pupwesto bukod pa sa mahina ang katawan dahil madaling natitutulak ng kalaban sa post up play.

Hindi rin umano magamit sa crunch time si Kai dahil mas iniisip nitong ipakita ang kanya umanong palsong 3 points shooting kaysa rumebound at dumipensa sa ilalim.

Hindi rin natuloy ang individual matchup ni Sotto sa kapwa Pinoy import na si Carl Tamayo dahil hindi pinasok sa laro si Tamayo sa buong laro.

Umangat ang Golden Kings sa 30-9 record upang patatagin ang kanilang hawak sa ikaapat na puwesto, habang pinapanatili ang Dragonflies sa ibaba nila sa 28-11.

Ang iba pang mga import ng Filipino sa Division 1 ay nagkaroon din ng magkakaibang resulta.

Si Thirdy Ravena ay may 10 puntos, tatlong board, at isang assist sa loob ng 26 minuto bilang starter sa 87-74 panalo ng San-en laban sa Mikawa upang umunlad sa 17-22.

Si Dwight Ramos, sa kanyang bahagi, ay nag-ambag ng apat na puntos at isang block sa loob ng 14 minuto mula sa bench sa 88-83 panalo ng Hokkaido laban sa Ibaraki upang iangat ang kanilang marka sa 10-29.

Si Ray Parks ay may anim na puntos, limang rebound, at dalawang assist sa loob ng 26 minuto bilang starter sa 74-71 pagkatalo ng Nagoya sa Kyoto nang bumagsak ang Diamond Dolphins sa 27-12.

Umiskor si Kiefer Ravena ng walong puntos, tatlong rebound, at dalawang assist sa loob ng 22 minuto mula sa bench sa 98-89 pagkatalo ni Shiga kay Shimane, na pinananatili ang Lakes sa ilalim ng standing sa 5-34.JC