Kailan ang ‘soon’ ng LTFRB?

Kailan ang ‘soon’ ng LTFRB?

July 31, 2018 @ 7:23 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ano na ba ang nangyari sa pangako ng LTFRB na itaas ang benefits ng personal passenger accident insurance? Matapos ang malagim na aksidente ng Dimple bus noon, sinabi ng chairman ng LTFRB na “soon” na ito.

Pero kailan ang “soon” na ‘yun? Ilang aksidente pa ba at ilan ba ang kailangang maaksidente nang malubha para itaas na ng ahensya ang insurance benefits?

Okay na sa lahat ng stakeholders dito, halos isang taon na mula nang masusing napag-usapan at napagkasunduan ito.

Noong linggo, may isang pahina sa dyaryong Philippine Daily Inquirer na isang panawagan kay Presidente Duterte ng ilang transport groups para sa pagbalasa sa liderato ng LTFRB.

Isa sa rason ng kanilang hinaing ay ang kabagalan ng pagkilos ng mga papel sa ahensya at ang kabagalan na rin ng paglabas ng kilos para sa pagtaas ng personal passenger insurance benefitrs para sa transport sector.

Ikinagulat ko na ang lumagda roon ay lahat na transport lider na sumusuporta sa mo­dernization ng jeepney. Anong nangyari?

Kinumpirma ng isa sa signatory na si Efren de Luna ng ACTO ang panawagan nila sa paid advertisement noong na­ging panauhin namin siya sa programang Bantay Lansa­ngan sa DZEC 1062 khs AM isang araw matapos ang SONA ni Presidente Duterte.

Noong Hunyo 10, 2018 sa Zamboanga Sibugay, dalawa ang patay at 28 ang malubhang nasaktan sa aksidente ng isang passenger bus.

Nag­karoon din ng malagim na aksidente sa Pagadian, Zamboanga na 7 ang patay.

Kung naitaas na sana ang benepisyo ay marami na ang natulungan at doble sana ang makukuha ng pamilya ng namatayan. Imbes na P200,000 ay P400,000 sana, at ang medical assistance na P20,000 ay P100,000 na sana.

Pero dahil ‘di pa natin alam ang “soon” ng LTFRB at kung kailan kikilos ito ay tiis muna ang mga mama­matayan at masasaktan.

Ang balita, alanganin daw kasi na i-extend ng Board ang accreditation ng dalawang accredited consortium na PAMI at SCCI. Bakit?

Aba’y unless may gustong magpasok ng bagong player ay most likely ay papasa pa rin ang dalawa sa accreditation dahil sila na ang nandyan noong inumpisahan ang personal passenger insurance.

At ang mga nagbabayad ng premium ay mga pribadong operator hindi ang pamahalaan.

Walang government mo­ney ang lalabas dito pero tiis muna ang mga mamamatayan sa P200K dahil ingat na ingat ang LTFRB na mabansagang corrupt pero sa ibang desis­yon naman ay hindi.

Nobyembre pa ang tapos ng accreditation ng PAMI at SCCI.

Halos 3 buwan pa ang titiisin.

Huwag naman po, mga BOSS sa LTFRB. MAAWA NA PO TAYO.

-SIBOL NI LTFRB COMM. ARIEL ENTRILE-INTON