Kailan matatapos ang endo?

Kailan matatapos ang endo?

July 31, 2018 @ 7:27 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Isa sa mga paksa ni Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ang magpapasya sa problema ng end of contract o “endo” o kontraktwalisasyon sapagkat wala raw sa kanyang kapangyarihan na tuldukan ito.

Ikalawang beses nang sinabi ito ni Duterte, kaya mukhang ito na ang opisyal niyang posisyon hinggil sa problema ng mga manggagawa.

Maraming nakasalang na panukalang batas sa Senate Committee on Labor and Human Relations na pinamumunuan ni Sen. Emmanuel Joel Villanueva simula pa noong 2016, kaso mukhang pinabayaan na ni Villanueva dahil hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa mga panukalang batas laban sa endo.

Si Villanueva na pinaaalis ng Office of the Ombudsman sa anomang pwesto sa pamahalaan dahil sa kanyang pag­kakasangkot sa P10M korapsyon sa pork barrel na pondo sa kanyang proyekto noong kongresista pa siya ang binabanggit ko rito at wala nang iba.

Kikilos na ba si Villanueva para magkaroon na ng batas na magwawakas sa endo o kontraktwalisasyon?

BAGS FOR CHANGE

NAMAHAGI ng 1,000 bag sina Davao City Mayor Sara Duterte at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kamakailan sa mga nanay at bata ng Lungsod Quezon.

Ang mga bag ay sumisimbolo sa pagbabagong hangad ng dalawang punong lungsod, saad ni Belmonte.

“We gave the children school bags to encourage them to finish their studies and the mothers health kits to help them plan the size of their families in order to allow them to provide for the needs of all their children,” paliwanag ni Belmonte.

Sabi naman ni Duterte: “In our pursuit of progress and deve­lopment, this partnership opens a lot of opportunities to learn from each other and to collaborate on initiatives that can help uplift the lives of our constituents.”

“Sa studies ng social services namin, nakita namin na there are two common characteristics sa lahat ng poor families in Davao City. Nalaman namin through our interviews na, number one, masyadong marami ang kanilang mga anak. Number two, ‘yung anak nila hindi nila mapagtapos ng pagaaral,” patuloy niya.

-BADILLA NGAYON NI NELSON S. BADILLA