KAILANGAN NG AKSYON NI PRRD SA OIL PRICE HIKE

KAILANGAN NG AKSYON NI PRRD SA OIL PRICE HIKE

March 30, 2022 @ 3:46 PM 3 months ago


NAIS muna nating manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na panahon na para manghimasok sa lumulubhang problema ng krisis sa langis sa bansa.

Ang ating panawagan sa gobyerno na pumagitna na sana sa usapin ng napakataas na presyo ng langis.

Ang inyo pong lingkod ay suportado rin ang mga panawagan ng ibat ibang transport group na pansamantalang suspindehin ang excise tax ng mga produktong petrolyo.

Ang suspensiyon ng excise tax ay magbibigay ng kaginhawaan sa publiko at mga sektor; at magkakaroon din ng ‚Äėdomino effect‚Äô para maibaba ang halaga ng mga bilihin at serbisyo.

Kamakailan po lamang nang kinontra ng mga economic manager ang panukalang suspensyon sa fuel excise tax at nagpasiya ang pamahalaan na tulungan na lamang ang mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng ayuda, at fuel subsidy para sa mga sektor na apektado pero maraming dumaraing na hindi sapat at hindi lahat ay nakatitikim nito.

Kaya naman nananawagan din po tayo sa ating Pangulo na magpatawag ng special session upang matalakay at mapagtibay ang panukala para sa excise tax suspension bilang isa sa paraan ng pamahalaan para maibsan ng bahagya ang problema sa. napakataas na presyo ng produktong petrolyo.

NALULUGING FARMERS SA SMUGGLING

Tila nakaba bahala na ang napaulat na nasa P2.5 million kada araw ang nalulugi sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet simula nang mag-umpisa ang 2022 dahil sa vegetable smuggling.

Iyan po ang isiniwalat kamakailan ng League of Association at the LA Trinidad Vegetable Trading Areas.

Sa pagdinig nga sa Senado nakaraan, sinabi ni Agot Balanoy, ang public relations officer ng asosasyon, na ang dami ng smuggled carrots ay dumoble mula 20% noong 2021 sa 40% ngayong taon sa kabila ng ginagawang pagkumpiska ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Kaya naman ang ating panawagan sa mga kinauukulan, partikular sa Department of Agriculture, na silipin ang bagay na ito ng nagpapahirap sa ating mga magbubukid.

Ipinarating pa ni Balanoy sa Senado na pinipili ng mga consumer na bumili ng mga gulay mula China dahil maaari itong ma-preserve sa loob ng dalawang buwan kumpara sa local products na tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong araw.

Kaya naman dapat ng pag tuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang naturang usapin upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi ng ating mga kababayang magbubukid.

—000—000—000—

Para sa inyong mga komento o sumbong, maaari po kayong tumawag o mag text sa ating 1-Ang Edukasyon Party-list Hotline: 0927.930.25.81 at makaka asa po kayo sa agarang tugon ng inyong mga mensahe.