KAILANGAN NG MAHUSAY NA PINUNO SA INTRAMUROS

KAILANGAN NG MAHUSAY NA PINUNO SA INTRAMUROS

July 13, 2022 @ 5:26 PM 1 month ago


Napakaraming maaaring gawin sa Intramuros sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos upang mas maipakita sa mga lokal at dayuhang turista ang ating Pinoy heritage at mas mapayabong pa ang ating national identity.
Kung hindi nga lang sa pandemya, mas marami pa sana ang naipatupad sa magagandang plano ni dating Intramuros Administration (IA) Administrator Atty. Guiller Asido para sa Walled City pagdating sa development and conservation at tourism promotions. Ibang-iba na ang Fort Santiago kung muli ninyo itong bibisitahin sa ngayon.
Kung para sa ilan ay tila balewala lang, napakamakasaysayan ng Intramuros at may tunay na halaga ito, historically and culturally.
Kahit medyo bitin nang konti, good job pa rin ang tandem nina Asido at ex-Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat dahil nagawa pa rin nila ang kanilang mandato para sa Intramuros kahit may mga balakid dulot ng pandemic.
Pero hindi pa naman huli ang lahat upang magawa ang mga trabaho para sa Intramuros na envision ni ex-President Ferdinand Marcos nang likhain niya noong 1979 ang IA sa pamamagitan ng isang presidential decree.
Ngayong si PBBM na ang chief executive ng bansa, it is only fitting na tapusin niya ang nasimulan ng kanyang ama, ‘ika nga. ‘Di ba’t kasing importante rin ng paggawa at pagpapatupad ng isang polisiya ang pagsasaayos ng isang makasaysayang lugar ng bansa? Kaya’t siguradong magiging masinop ang pagpili para sa susunod na AI administrator.
Isa sa mga lumulutang at matunog na pangalan bilang susunod na pinuno ng Intramuros Administration si Dr. Jovertlee C. Pudan, EnP, na kasalukuyang Deputy Executive Director ng Nayong Pilipino Foundation.
Si Dr. Pudan ay may pinag-aralan at may malawak na karanasan pagdating sa urban planning na isang napakalaking factor upang mas mahusay na mapamahalaan ang Intramuros.
Sa ating palagay, siya ay isang karagdagang asset sa binubuong team ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco para sa kagawaran.