Kakai Bautista, patola sa blind item, nang-bash ng DJ!

Kakai Bautista, patola sa blind item, nang-bash ng DJ!

January 21, 2022 @ 7:35 AM 4 months ago


Manila, Philippones – #FriendshipGoals!

Napa-sana all lang naman ang netizens kay Kakai Bautista at Sanya Lopez.

Iba ang friendship!

Rumesbak kasi si Kakai sa radio DJ na si Kuya Jay Machete ng Win Radio matapos i-blind item si Sanya sa show nito.

Laman nang nasabing blind item, “Panay ang text ng aktres habang nasa set kaya napa-walk out ang direktor!”

Kaya naman napa-screen record ng content ang female comedian at binato ng sarcasm ang host sa kanyang caption.

“Sino itong…. Sino itong… SINO? Kuya Jay Machete, nakaka-proud ka naman. Nakahanap ka ng maranagal na paraan para kumita at magkaroon nang maraming followers ngayong pandemya, habang ang lahat ay tumitindi ang MENTAL HEALTH problem, ETO KA, NAKAKATULONG.

“Pengeng 500,” bahagi ng sarcastic caption ni Kakai bilang pagtatanggol kay Sanya.

But wait, there’s more. I-pinost din kasi ng nasabing DJ ang screenshot ng sarcastic post ni Bautista at ginantihan din ng sarcasm, “Ganyan talaga ‘pag maganda,” patama nito sa comments section. At si Kakai, hindi nagpa-awat, napa-comment ng halakhak!

“Iba rin naman makipag-sagutan si Kakai para sa kaibigan niya,” “Sinugod din ako niyan sa wall ko when I commented about some issue.” Ilan sa comments ng netizens sa naging palitan ng sarcasm ng comedian at DJ.

May nagtanggol din naman kay Sanya saying, “Even though Sanya Lopez is text nang text, she’s still doing great at acting.”

May mga naaliw pero may ilang nagtatanong, “Bakit mas affected pa siya sa mismong na-blind item at fans nito?”

Sa huli, mukhang sinara ni Kakai ang issue with her latest post on Facebook saying, “Huwag niyo na stress ang mga sarili niyo sa mukha ko at ugali.”

What can you say? Leave a comment below! Paula Jonabelle Ignacio