Kakanta sa Salilig killers may P500K pabuya kay Romualdez

Kakanta sa Salilig killers may P500K pabuya kay Romualdez

March 2, 2023 @ 9:23 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nag-alok ng P500,000 na pabuya si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga suspek na nasa likod ng pagkamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig.

Si Salilig ay isang chemical engineering student na sinasabing nasawi sa isang fraternity hazing at ang bangkay ito ay inilibing na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite.

Ayon kay Romualdez, ang alok niyang pabuya ay upang agad na matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

“This is to encourage individuals to come forward and coordinate with the authorities to help the arrest and prosecution of the suspects or those who have knowledge behind the death of Salilig. Brothers do not kill brothers. Frat-related or not, any crime that results in death deserves utmost condemnation,ā€ pahayag ni Romualdez.

ā€œIt is important that we take a proactive step to help our law enforcement agencies bring criminals to justice. Wala silang pagpapahalaga sa buhay. Sa ospital nila dapat dinala ang biktima. Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?ā€ pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza