Kakapusan sa suplay ng tubig, tutuldukan ni Poe sa paglikha ng Dept of Water Resources

Kakapusan sa suplay ng tubig, tutuldukan ni Poe sa paglikha ng Dept of Water Resources

July 26, 2022 @ 3:56 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang tuldukan na ni Senador Grace Poe ang kakapusan ng suplay ng tubig sa bansa sa panukalang inihain upang magarantiya ang malinis at ligtas na tubig sa lahat sa pamamagitan ng paglikha ng Department of Water Resources (DWR).

Sa pahayag sinabi ni Poe na layunin ng panukalang na maging epektibo at mabilis ang pamamahala sa sistema ng tubig na magbibigay proteksiyon sa pinakamataas na interes ng publiko.

sa pamamagitan ng epektibo at mabilis na pamamahalaan na magbibigay proteksiyon pinakamataas na interes.

“Water shortage should not be a way of life. We expect reforms in water governance and infrastructure the way the Filipinos deserve this basic utility as an essential human right,” ayon kay Poe.

Ayon kay Poe, layunin din ng Senate Bill No. 102 na may pamagat na “National Water Resource Management Act,” na lumikha ng pambansang burador sa mas mahusay na pamamahala ng yaman-tubig.

Inaatasan ng panukala ang paglikha ng Department of Water Resources na mangunguna at pagsama-samahin ang whole-of-society efforts para sa kumprehensibo at integrated development at pamamahala ng water resources sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Poe sa panukala na patuloy na dumadami ang populasyon ng baznsa, kaya dapat mas maraming water resources ang mapaunlad at magamit upang matiyak ang patuloy na suplay ng malinis at abot-kayang tubig sa lahat ng mamamayan.

Magkakaroon din ng rasyunalisasyon sa regulasyong pang-ekonomiya at administratibo sa water utilities sa pamamagitan ng independyente, quasi0judicial agency na tatawaging Water Regulatory Commission.

“This is clearly about the law of supply and demand. All consumers must have access to safe and reliable water,” giit ni Poe.

“The commission shall set the policy for water supply, sewerage and septage management; issue licenses; review and approve rates; assess and suspend contracts; initiate investigations on erring officials; and ensure that the welfare of consumers are prioritized,” ayon sa panukala.

Nakatakda din sa panukala ang probisyon na: “All water supply and sanitation service providers, including bulk water suppliers and other public or private service providers, shall register with the commission, which shall ensure that the grant or revocation of licenses is carried out fairly and transparently.”

Tinukoy pa ni Poe na iniulat ng National Economic and Development Authority noong nakaraang taon na mahigit 12.4 mmilyong katao ang nakalimitang makakuha ng tubig sa ligtas na pagkukuhan, at may ilang lugar na walang water service provider.

Sa ilalim ng panukala ni Poe, kailangan magtakda ang regulasyon ng parehas, resonableng taripa at rate base sa scientific at evidence-based methodology. A 12-percent cap on return of investment must be adhered to by providers.

Kasabay nito, inaatasan din ng panukala ang pagbibigay ng insentibo upang mahimok ang episyente, mas malawak na serbisyo at mas mababang halaga.

“Water is essential to our daily lives. It is fundamental to our survival and growth. We must manage this resource efficiently to ensure that our people’s needs are sufficiently met,” ani Poe. Ernie Reyes