Kakasa ka ba sa Ice cream na nakalalasing?

Kakasa ka ba sa Ice cream na nakalalasing?

June 20, 2018 @ 12:07 PM 4 years ago


Las Vegas – Madami ang sumisikat na bagong pakulo sa mga ice cream, nariyan ang sili ice cream, dry ice cream at siyempre naman ang mga alcoholic ice cream. Ang problema lang ng nakakararami, “wala ba yung ice cream na nakakalasing?”

Be careful what you wish for, dahil ang Buzz Pop Cocktails ay ang sagot sa iyong hiling dahil handog nila sayo ang gourmet Italian sorbet na tatamaan ka talaga.

Ayon sa Instagram post ng Buzz Pop Cocktails, ito ay isang game changer dahil ito ay “adult popsicle.”

Ang Buzz Pop Cocktails ay gawa sa Fresh fruits at premium liquors. Kaiba raw sa ibang alcoholic ice cream na karaniwan ay may alcohol content lang na nasa 4.5% ABV, pagyayabang nila, ang ice cream nila ay triple nito na may 15% ABV. Ibig sabihin ang isang ice cream ay tamang tama lang para sa sipa na hinahanap mo.

Ang kompanya nasa likod ng Buzz Pop Cocktails ay mula sa Las Vegas kung saanc sa bansa pa lamang nila ito available sa publiko. Ito ay mayroong eight flavors: Pink Paradise, Southern Belle, Blueberry Mania, Mango Passion Fruit, Caribbean Breeze, Moscow Mule, Watermelon Patch, at Lemon Drop Martini pero ang sabi ng kompanya, sila ay nagpla-plano pang gumawa ng 75 pang flavors na magpapalitan sa isang taon.

Kung ang problema mo naman ay ang calories, ‘wag kang mag-alala dahil ito ay napabalita na mayroon lamang 100 calories, suwak na suwak lang ang dalawa hanggang tatlo sa isang araw, pero ang tanong kakayanin mo ba? (Remate News Team)